216 - Kami'y Lumalapit

Kami'y lumalapit, Oh Diyos ng pag-ibig
Awa Mo'y ilawit, ipakamit;
Ikaw ang timbulan na inaasahan
Walang tatawagan kundi Ikaw.

REFRAIN

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

Lupa'y may kadimlan, kaaway naghalang;
Ikaw ang takbuhan at kublihan;
Iligtas Mo kami sa tuksong marami;
Kahit aba't imbi h'wag iwaksi.

REFRAIN

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

Banal na biyaya'y ipakamit nawa;
At ang laging nasang pagpapala;
Kami'y pangunahan habang nabubuhay
At sa bayang banal ay idatal.

REFRAIN

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw
Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

0:00 0:00